dzme1530.ph

Mga tauhan ng CIDG, kinasuhan ng empleyado ni Cong. Arnie Teves sa CHR

Nagsampa ng kaso sa Commission on Human Rights ang empleyado ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves laban sa mga pulis na iligal na umaresto at nagkulong sa kanya at sa kanyang mister.

Si Hanna Mae Oray at kanyang asawa ay kabilang sa mga dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa serye nang pagsalakay sa mga bahay ni Teves sa Negros Oriental noong March 10.

Sa press conference, emosyonal na ikinuwento ni Oray na tinakot siya ng mga pulis na hindi na niya makikita ang kanyang mga anak at 60 taon siyang makukulong.

Aniya, kinumpiska ng mga pulis ang kanilang cellphones at inakusahan silang mag-asawa ng Illegal Possession of Firearms, kahit iprinisinta nila ang License to Own and Possess Firearms at Permit to Carry ID para sa mga baril na pag-aari ng kanyang mister.

Idinagdag ni Oray na pilit siyang pinaaamin ng mga Pulis na siya ang inutusan ni Teves na magbayad sa mga “killer.”

About The Author