dzme1530.ph

Mga ospital sa bansa, mananatiling bukas ngayong Semana Santa

Mananatiling bukas ang mga ospital ngayong Holy Week para magbigay ng bakuna laban sa sakit na pertussis o whooping cough at iba pa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Eric Tayag, maliit na sakripisyo lamang ito upang mahabol ang pagbibigay ng bakuna at mapababa ang kaso at fatality ng pertussis.

Sinabi pa ni Tayag na maaaring ito ay dahil sa pagbaba ng immunization ng mga Pilipino noong pandemic.

Nabatid na sumirit sa 453  ang bilang ng kaso ng pertussis sa bansa mula Enero kung saan, 35 na ang naitatalang nasawi.

About The Author