Pinaalalahanan ng mga otoridad ang dadalo sa mga Christmas party na huwag uminom ng alak kung magmamaneho.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tumaas ang bilang ng mga aksidente sa National Capital Region nang matapos ang lockdowns noong pandemic.
As of 2022, umakyat sa 72,000 ang vehicular accidents, kung saan 23,000 ang nadamay habang 400 ang namatay na karamihan ay driver.
Inihayag naman Eric Lazarte, Chairperson ng Filipino Advocates for Road Safety, na maraming drivers ang nakakaalam ng traffic rules and regulations pero ang problema ay hindi naman nila sinusunod, lalo na kung walang nanghuhuli.
Binigyang diin ng road safety advocate na mahalaga ang pagtalima sa batas trapiko sa lahat ng oras upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada. —sa panulat ni Lea Soriano