dzme1530.ph

Mccoy De Leon at Elisse Joson, bati na.

Inamin ni Mccoy De Leon na “happy” at bati na sila ng partner na si Elisse Joson, ilang linggo matapos maisa-publiko ang kanilang paghihiwalay at lumikha ng kontrobersiya.

Una nang inamin ng aktor na naghiwalay sila ni Elisse noong enero, sa gitna ng kumalat na screenshots ng pakikipag-usap nito sa ibang babae.

Kinumpira ni Mccoy na naayos na nila ng aktres ang kanilang gusot, subalit tumanggi itong ihayag ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

basta ang mahalaga aniya ay masaya sila ngayon at proud siya bilang ama ng kanilang magda-dalawang taong gulang na anak na si Felize, dahil naisalba niya ang kanilang pamilya.

About The Author