Aatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang Congressional Committee on Agriculture na mag imbestiga laban sa mga hoarder ng sibuyas at bawang.
Ayon kay Romualdez nakatanggap siya ng impormasyong magsasagawa na naman ng artificial shortage ang mga abusadong trader para palabasing may kakulangan na naman sa bawang at sibuyas.
Kapuna-puna ani Romualdez na sa kabila ng panahon ng anihan ngayon ng sibuyas ay nananatiling mataas ang presyo nito sa palengke.
Irerekomenda din ng House Speaker sa Pangulong Marcos kung itutuloy ang importasyon ng bawang at sibuyas kasabay ng pagsasampa ng kaso laban sa mga hoarder.
Samantala, iminungkahi ng grupo ng mga magsasaka na gawing Agriculture Secretary si Senador Imee Marcos
Ayon kay kay SINAG President Rosendo Go, naniniwala sila na mas maasikaso ni Senador Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) na kasalukuyang hinahawakan ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag pa ni Rosendo, nakita nila ang pagsisikap ng senadora at pagtulong nito sa sektor ng agrikultura.
Ayon din sa grupo, nararapat lang na ipagpatuloy ang pagbabantay sa agricultural smuggling.
Matatandaang sinabi ng Senadora Marcos na 2016 pa ang batas ng agricultural large-scale smuggling pero hangang sa kasalukuyan ay wala paring nakakasuhan.