dzme1530.ph

Maynilad, dapat managot sa sinkhole, —Senador

Iginiit ni Sen. Ramon Revilla Jr. na kailangang pagmultahin ang Maynilad at mga contractors nito dahil sa sinkhole na nakita sa Sales Road, Pasay City.

Binigyang-diin ng Chairman ng Senate Committee on Public Works na nagdulot ito ng peligro sa mga motorista.

Kung hindi anya ito agad nakita ay posibleng maapektuhan din maging ang mga residential buildings sa lugar at maging ang pundasyon ng NAIA Expressway.

Sa report ng Department of Public Works and Highways, ang sinkhole ay dahil sa tagas mula sa tubo ng Maynilad Water Services.

Iginiit ni Revilla na hindi sasapat na repair lamang ang gawin dahil ang kailangan dito ay accountability.

Magsisilbing babala aniya ito sa iba pang mga kontratista upang mas maingat na ang mga ito sa kanilang mga susunod na proyekto.

About The Author