![]()
Makakasama ng actress-singer na si Maymay Entrata ang kapwa Asian personalities sa pag-explore ng popular at lesser-known destinations sa Hong Kong sa isang game show na ipalalabas sa Disyembre.
Inanunsyo ng producer at network na TVN Asia na napili ang “Amakabogera” singer bilang isa sa cast members ng “Hong Kong Unlocked.”
Mapapanood din sa six-episode series sina Gabriel Prince ng Indonesia, Moses Wong ng Malaysia, at Chow Jia Hui ng Singapore.
Ang four cast members ay nakapasok sa pamamagitan ng competitive audition process, kung saan ang bawat isa ay pinili dahil sa kanilang “vibrant energy and adventurous spirit.”
