dzme1530.ph

Maymay Entrata, kinumpirmang break na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend

Kinumpirma ni Maymay Entrata na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Aaron Haskell, kasabay ng apela sa kanyang fans na maging mabait sa dating kasintahan.

Ginawa ng aktres ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng post sa X (dating Twitter), kung saan tinawag niya si Aaron bilang kaniyang “past relationship.”

Sa kaniyang post, sinabi ni Maymay na muli siyang naligaw ng landas noong 2021 na tinawag niyang past trauma, kung saan nasaktan siya at sinaktan din niya ang mga taong nakapaligid sa kaniya pati na ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Lumutang ang mga espekulasyon sa social media na hiwalay na sina Maymay at Aaron noong Marso matapos mapansin ng netizens na hindi na pina-follow ng aktres ang kanyang boyfriend sa instagram.

About The Author