dzme1530.ph

Apat na foreign aid food workers, napaslang sa pag-atake ng Israel Defense Forces sa Gaza

Apat na foreign aid workers ang nasawi sa Gaza sa pag-atake ng Israel Defense Forces (IDF), ayon sa World Central Kitchen.

Ayon sa kinatawan mula sa Non-For-Profit Non-Governmental Organization, nangangalap pa sila ng mga karagdagang detalye hinggil sa insidente na nangyari kaninang madaling araw.

Binigyang diin nito sa statement na kailanman ay hindi dapat maging target sa digmaan ang humanitarian aid workers at mga sibilyan.

Nagpaabot naman si Chef Jose Andres, founder ng World Central Kitchen ng pakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng kanilang workers na nadamay sa trahedya.

About The Author