Kabuuang 206 na Pilipinong nasagip mula sa scam farms at rebel groups sa Myanmar ang nakatakdang dumating sa bansa simula ngayong Lunes, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega, na 30 Pinoy ang inaasahang darating ngayong Lunes na susundan ng 176 bukas.
Aniya, ang mga Pilipino ay bahagi ng libu-libong foreign workers sa Myanmar na pwersahang pinag-trabaho sa scam farms.
Sinabi ni de Vega na napilitang magsara ang scam factories matapos silang putulan ng supply ng kuryente.
Lumala pa ang sitwasyon ng mga manggagawa nang dukutin sila ng mga armadong grupo na kalaban ng pamahalaan.