dzme1530.ph

Mahigit 1.2K tseke, nai-proseso na para sa mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na mahigit 1,000 tseke na para sa mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia matapos malugi ang pinapasukan nilang mga kumpanya ang nai-proseso na.

Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na mula sa 1,204 na tseke na na-process na, 1,100 ang due na for encashment.

Inihayag ni Cacdac na sobra ang bilang na ito kumpara sa 843 na unang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang linggo.

Inaasahan ng DMW na mas marami pang payments na mangyayari sa mga susunod na araw.

About The Author