dzme1530.ph

MABABANG FARMGATE PRICES NG BABOY AT MANOK, PINABUBUSISI SA SENADO

Loading

PINABUBUSISI ni Senador Kiko Pangilinan sa Senado ang mababang farmgate prices ng baboy at manok sa gitna ng tumataas na production at feed costs.
 
Inihain ni Pangilinan ang Senate Resolution 726 para bumuo ang Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform ng mga paraan upang maprotektahan ang mga local producer at matiyak ang sapat na suplay.
 
Ito ay matapos iulat ng Department of Agriculture na bumaba sa ₱120 hanggang ₱160 kada kilo ang hog prices, na mababa sa ₱210 kada kilo na minimum price na itinakda ng agency at hog industry groups.
 
Sinabi ni Pangilinan na umaabot naman sa ₱180 hanggang ₱190 ang livestock production costs noong November 2025.
 
Tinukoy ng senador na animal disease outbreaks at kompetisyon sa imported products ay mga crucial factors na nakaaapekto sa poultry at hog industries.

About The Author