dzme1530.ph

Linday Lohan, inanunsyo na ang kanyang pagbubuntis

Buntis na si Lindsay Lohan sa kanyang first baby!

Ginawa ng Hollywood actress ang announcement sa pamamagitan ng pagpost ng isang baby onesie sa instagram at may nakalagay na caption na “We are blessed and excited!”

Bumaha naman ng well-wishes ang comments section mula sa fans at mga kaibigan ni Lindsay, gaya nina Paris Hilton at Bella Thorne.

Ang 36 anyos na aktres ay ikinasal sa kanyang mister na si Bader Shammas noong July 2022, makaraang ianunsyo ang kanilang engagement noong November 2021.

About The Author