dzme1530.ph

Legacy ni Lydia de Vega, ipinagdiwang sa PSA Awards Night

Ipinagdiwang ang legasiya ni Philippine Track legend Lydia de Vega-Mercado sa Annual Awards Night ng Philippine Sportswriters Association (PSA), sa Diamond Hotel.

Nanguna sa mga nagbigay ng tributes si dating Gintong Alay head Michael Keon na nagsabing si Lydia ang pinakamagaling na atleta na nagkaroon ang bansa at masaya siya na kasama siya sa nag-train sa tinaguriang Asia’s Sprint Queen.

Pumanaw si de Vega-Mercado noong August 2022 makaraang makipaglaban sa cancer.

Naniniwala naman si Keon na marami pang athletic talent ang bansa na kagaya ng kalibre ni de Vega-Mercado, at ni Elma Muros-Posadas na pinarangalan din ng PSA.

Kabilang din sa tumanggap ng award si Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo, na itinanghal na Athlete of the Year sa ikalawang sunod na taon.

About The Author