Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor para sa ‘Build, Better, More’ Housing program.
Sa Housing project events sa Valenzuela City at Malabon City, inatasan ng Pangulo ang Dept. of Human Settlements and Urban Development, National Housing Authority, at iba pang kaukulang ahensya patuloy na resolbahin ang mga suliranin sa pabahay, at tiyaking walang sinumang maiiwan at mapapabayaan sa sama-samang pagsulong at pag-unlad.
Ipinasi-siguro rin ni Marcos na matibay at dekalidad ang mga materyales na gagamitin sa pagtatayo ng mga gusali.
Bukod dito, hinikayat din ni Marcos ang mga benepisyaryo na patuloy na suportahan ang mga proyekto ng gobyerno dahil para ito sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay.
Mababatid na pinangunahan ng Pangulo ang Groundbreaking ng Disiplina Village sa Arkong Bato sa Valenzuela kung saan makikinabang ang 1,200 informal settler families, habang i-tinurnover din ang 1,380 housing units sa Malabon City bilang bahagi ng St. Gregory Homes Project.