dzme1530.ph

Kaso ng Mpox sa Pilipinas, lumobo sa 15

Lumobo na sa labing lima ang kumpirmadong aktibong kaso ng Mpox sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Sa nasabing bilang, labing isa ang mula sa National Capital Region, tatlo ang nasa CALABARZON at isa sa Cagayan Valley.

Hindi naman tinukoy ng DOH ang pagkakakilanlan ng mga ito ngunit binanggit na karamihan sa mga pasyente ay lalaki at isa lamang ang babae.

Sinabi ng ahensya na mas mild na clade 2 variant ang dumapo sa Mpox patients, na hindi umano mahirap gamutin. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author