dzme1530.ph

Kaso ng measles at rubella sa Pilipinas, lumobo sa 541%

Lumobo sa 541% ang mga kaso ng Measles at Rubella sa Pilipinas simula January 1 hanggang February 25 ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa pinakahuling Surveillance Report ng Department of Health Epidemiology Bureau, 141 cases ng measles at rubella ang naitala simula nang mag-umpisa ang 2023.

Sa naturang bilang, 133 ang measles o tigdas habang walo ang rubella na kilala rin sa tawag na German Measles.

Ang measles at rubella ay dalawa sa most common vaccine-preventable diseases sa mga batang mag-aaral sa Pilipinas.

About The Author