Tatapusin na ng Japan ang ipinatutupad nilang border control measures sa mga biyaherong mula sa ibang bansa sa Mayo 8.
Alinsunod ito sa desisyon na i-categorize ang COVID-19 bilang pangkaraniwang sakit upang maibalik na sa normal ang social at economic activities sa naturang bansa.
Sisimulan din ng Japanese Government ang bagong Genomic Surveillance Program, kung saan ang mga papasok sa bansa na mayroong sintomas, gaya ng lagnat ay susuriin upang malaman kung mayroong bagong nakahahawang sakit.
Ang mga biyahero na darating sa limang major airports na kinabibilangan ng Narita, Haneda, Chubu, Kansai at Fukuoka ay isasailalim sa bagong framework na nakatakdang simulan kapag ibinaba na ang legal status ng COVID-19 sa kaparehong kategorya ng seasonal influenza sa susunod na buwan.