dzme1530.ph

Islamic State Group, inako ang pambobomba sa gymnasium ng MSU sa Marawi City

Inako ng Islamic State Group ang pambobomba sa Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University sa Marawi City, kahapon.

Sinabi ni Bangsamoro Police Regional Office Chief Police Brig. Gen. Allan Nobleza na kabilang sa tinukoy nilang Persons of Interest (POI) ang local terrorist.

Bagama’t mayroong ng persons of interest, sinabi ni Nobleza na tinitingnan pa ng pulisya ang iba’t ibang anggulo sa imbestigasyon.

Nananatili namang nasa full alert status ang buong Mindanao upang maiwasan ang iba pang posibleng pag-atake.  —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author