dzme1530.ph

IRR para sa pag self-organize, pirmado na ng mga ahensya.

Pinangunahan ng Department of Justice (DOJ) ang paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) sa karapatan ng government employees na mag-self organize.

Kabilang sa mga ahensyang pumirma sa 2024 rules and regulations of executive order 180 ay ang Civil Service Commission (CSC), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Finance (DOF), at Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa DOJ, ang IRR ay naglalaman ng mas malinaw na qualifications at criteria para sa personnel eligibility na lumahok sa employee organizations; paggamit ng electronic filing ng pleadings/documents at online platforms; integration ng bagong council policies; employee elections; at iba pang importanteng guidelines.

Ang National Employees Organizations, na isang koalisyon ng mga rehistradong organisasyon ng mga empleyado sa loob ng ahensya para sa layunin ng Collective negotiation agreements, ay kinikilala na ngayon sa ilalim ng bagong IRR.

Nabatid na ang 1987 IRR ng eo 180 ay huling inamyendahan noong 2004.

About The Author