dzme1530.ph

IRR para sa inamyendahang Public Service Act, inilabas na ng NEDA

Inilabas na ng National Economic and Development Authority ang implementing rules and regulations ng inamyendahang Public Service Act.

Ayon sa NEDA, ang IRR na inaprubahan ng lahat ng 21 ahensya, ay ni-release kasunod ng masusing pag-aaral at konsultasyon sa publiko, mga mambabatas, administrative agencies at stakeholders.

Sa pamamagitan ng Republic Act no. 11659 o The Amendments to the Public Service Act, maari na ang full foreign ownership sa ilang piling sektor mula sa dating 40%.

Kabilang sa mga piling industriya na maaaring ariin ng buo ng mga dayuhang kumpanya ay airports, railways, expressways, at telecommunications.

About The Author