dzme1530.ph

Nuclear Counterattack Simulation Drill, pinangunahan ni North Korean leader Kim Jong Un

Pinangunahan ni North Korean leader Kim Jong Un ang dalawang araw na military drills sa simulation ng nuclear Counterattack, kabilang na ang paglulunsad ng ballistic missile.

Sa report ng Koren Central News Agency, kontento si Kim sa isinagawang drills na ang layunin ay maging pamilyar ang military units sa proseso ng pagpapatupad ng kanilang tactical nuclear attack missions.

Ang naturang drills ang ika-apat na pagpapakita ng puwersa mula sa Pyongyang sa loob lamang ng isang linggo at kasabay ng freedom shied na pinakamalaking US-South Korea Military Exercise sa nakalipas na limang taon.

About The Author