dzme1530.ph

Internal cleansing sa PNP, inaasahang magpapatuloy sa liderato ng bagong hepe

Pinayuhan ni Sen. Ronald Bato dela Rosa ang bagong talagang hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rommel Francisco Marbil na ipagpatuloy ang internal cleansing program sa kanilang organisasyon.

Sinabi ni dela Rosa na mahalagang maipagpatuloy ang paglilinis sa hanay ng pulisya upang mas tumaas ang kumpiyansa sa kanila ng publiko.

Muling iginiit ng dating chief PNP na performer si Marbil kaya tiwala siya na mapapamunuan niya nang maayos ang PNP.

Una na ring sinabi ng senador na kilala nya si Marbil bilang isang officer and a gentleman kaya’t kwalipikado siyang pamunuan ang PNP

Bago natalagang hepe ng PNP si Marbil ay naging officer-in-charge ng Directorate for Comptrollership at nagsilbi rin bilang police director ng Eastern Visayas.

About The Author