dzme1530.ph

ICC, pinasalamatan ang gobyerno ng Pilipinas sa pagdakip kay dating Pangulong Duterte

Loading

Pinasalamatan ng International Criminal Court sa The Hague ang mga awtoridad sa Pilipinas makaraang maisailalim sa kanilang kustodiya si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pag-aresto sa dating Pangulo, kaugnay ng mga patayang nangyari sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Nagpasalamat din si ICC Registrar Osvaldo Zavala Giler sa Philippine authorities dahil sa commitment sa pagpapatibay sa international accountability mechanism, gayundin ang mga awtoridad sa host state na The Netherlands, para sa kanilang kooperasyon at suporta.

About The Author