Nanindigan si Antipolo City Rep. Romeo Acop, co-chair ng House Tri-Committee, na hindi pagsansala sa karapatan ng sino mang indibidwal o grupo ang layunin ng kanilang imbestigasyon.
Paglilinaw ito ni Acop matapos dumulog sa Korte Suprema ang ilang vloggers at kinuwestyon ang inilunsad na imbestigasyon.
Paliwanag nito, salig sa House Resolution 286 ni Senior Deputy Speaker Aurelio Dong Gonzales, Jr. ang inquiry in aid of legislation, na ang hangad ay magkaroon ng batas na hindi sumasagka sa constitutional guarantees na freedom of speech at expression o magkaroon ng undue censorship.
Nais din nilang tugunan ang gaps sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, magkaroon ng transparency at accountability mechanisms sa social media platforms.
Inaasahan ng Tri-Comm ang presentation ng Google para magkaroon ng framework ang mga content creators, at ang legal position ng DoJ ukol sa “doctrine of the duality of crime.”