dzme1530.ph

Hindi pagbibigay ng atensyong medikal kay dating Pangulong Duterte, itinanggi ng Malakanyang

Loading

Itinanggi ni Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro ang pahayag na hindi binigyan ng kinakailangang medical attention si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng pag-aresto sa kanya bunsod ng kasong crimes against humanity.

Binigyang diin ni Castro na trinato si Duterte bilang dating chief executive at isang Filipino citizen.

Sinabi ng Palace official na hindi basta-basta ang naging pagturing kay Duterte nang panahong nasa kustodiya ito ng mga awtoridad at walang katotohanan na hindi ito pinagkalooban ng atensyong medikal.

Una nang pinalagan ni Veronica “Kitty” Duterte ang aniya’y hindi pagpayag ng mga awtoridad na mabigyan ang kanyang ama ng kinakailangan nitong medical attention matapos arestuhin kahapon.

Ibinahagi rin ng bunsong Duterte ang medical certificate ng kanyang ama na may lagda ng doktor, na nagsasaad na kailangang magpakonsulta ng 79 na taong gulang na dating presidente para sa diabetes management.

About The Author