Nagpasaklolo ang Gobyerno ng Ukraine sa Pilipinas kaugnay sa pagkakaroon ng labor cooperation ng dalawang bansa para sa rebuilding process sa pinsalang dulot ng pananalakay ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Ukrainian chargé d’affaires Denys Mykhailiuk, tiwala silang maraming mga hardworking professionals ang Pilipinas dahil sa naipamalas na talento at kasipagan nito sa iba pang bansa.
Ani Mykhailiuk, tuloy-tuloy ang pakikipag-usap ng Ukraine sa Pilipinas para sa panibagong labor cooperation kung saan welcome din ang Ukraine pagpasok ng mga Filipino investors lalo na sa construction industry.
Kaugnay nito, tiniyak ni Mykhailiuk na ligtas nang mamuhunan sa kanilang bansa at muli nang bumabalik ang sigla ng kanilang ekonomiya.