dzme1530.ph

Former PDEA agent Jonathan Morales, tinawag na “professional liar” ng Pangulo

Hindi binibigyan ng importansya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Former Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales, sa harap ng lumutang na PDEA documents na nagdawit sa kaniya sa iligal na droga.

Sa ambush interview sa General Santos City, tinawag ng pangulo si Morales bilang isang “professional liar” at “jukebox”, kung saan kakantahin umano nito ang kahit na ano basta’t huhulugan lamang ito ng pera.

Kaugnay dito, iginiit ni Marcos na walang saysay si Morales kung pagbabatayan ang kaniyang record.

Sinabi pa ng pangulo na si Morales ay may kaso ng false testimony, at may history ng pagsasangkot ng kung sino-sino sa mga isyu.

About The Author