Magsisilbing kinatawan ng Pilipinas si First Lady Liza Marcos, sa World Governments Summit na gaganapin sa Dubai United Arab Emirates ngayong buwan.
Kinumpirma ng Presidential Communications Office na ang Unang Ginang at hindi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pupunta sa nasabing pagtitipon, na idaraos sa Feb. 11-13.
Ang World Governments Summit ay dadaluhan ng mga lider ng iba’t ibang bansa, international organizations, at pribadong sektor.
Ngayong taon, bitbit nito ang temang ‘Shaping Future Governments’, para sa layuning isulong ang international cooperation at bumuo ng mga solusyon sa mga hamon sa hinaharap.