Magiging mainit ang kondisyon ng klima sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.
Ito ayon sa pagtaya ng PAGASA kung kaya’t itinaas na ng ahensiya ang El Niño Watch.
Sinabi ni Dr. Vicente Malano, PAGASA Administrator, na 55% ang probability na maramdaman ng bansa ang matinding init o El Niño phenomenon na magsisimulang mag-develop sa Hulyo, Agosto hanggang Setyembre.
Pinaalalahanan ni Malano ang ahensiya ng gobyerno na gumawa ng programa upang maturuan ang publiko na magtipid sa tubig gayung may banta ng tagtuyot.