dzme1530.ph

Eksaktong lokasyon ng lumubog na motor tanker, tukoy na

Tukoy na ang eksaktong lokasyon ng lumubog na motor tanker na nagdulot ng oil spill sa ilang mga lugar sa Oriental Mindoro, ayon kay Governor Humerlito Dolor.

Ginawa ni Dolor ang anunsyo kasunod ng tawag sa telepono mula kay Environment secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, sa gitna ng media conference hinggil sa updates sa lumubog na MT Princess Empress.

Sinabi ng Gobernador na magpupulong sila ni Yulo-Loyzaga ngayong araw para ipakita sa kanya ang analyzed data ng exact location ng motor tanker.

Aniya, kailangang maghanda ang mga taga-Pola dahil doon nakita ang lumobog na MT Princess Empress.

February 28 nang lumubog sa Naujan ang motor tanker na may kargang 800,000 liters ng industrial fuel.

About The Author