dzme1530.ph

DOTR, nanindigang hindi ibabasura ang PUV Modernization Program

Nanindigan naman si Transportation Secretary Jaime Bautista na mananatili ang Modernization Program.

Sa kabila ng planong strike ay iginiit ni Bautista na kailangan ang naturang programa.

Ipinaliwanag ng kalihim na hindi naman tama na ibasura ang Modernization Program na makapagbibigay aniya ng convenient, accessible, safe and secure, and affordable (CASA) transportation.

Samantala, tinawag naman ni National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) Chairperson Elvira Medina na malaking abala ang transport strike, lalo sa mga manggagawa.

Nagbabala rin ito na posibleng maapektuhan din ng tigil pasada ang mga pasyenteng kailangang magpagamot at mga estudyanteng papasok sa eskwela.

Paalala pa ni Medina sa mga nagpaplanong lumahok sa welga na ito ay paglabag sa Saligang Batas dahil mapaparalisa nito ang transportasyon ng bansa.

About The Author