dzme1530.ph

DOJ, pinaiimbestigahan sa NBI ang pagkamatay ng estudyante sa Adamson

Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay ng Adamson University (AdU) 3rd year chemical engineering student na si John Matthew Salilig.

Sinabi ni Justice Assistant Secretary at Spokesperson Jose Dominic Clavano na ginawa ni Remulla ang direktiba habang dumadalo sa 52nd session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Umaasa ang ahensya na mabibigyang linaw sa pamamagitan ng imbestigasyon ang isyu ng hazing na sinasabing dahilan ng pagkamatay ng estudyante.

Natagpuan ang katawan ni Salilig sa bakanteng lote sa Imus, Cavite ilang araw matapos itong mapaulat na nawawala simula noong February 18.

Sa initial findings ng pulisya, may mga marka na tila dumaan sa hazing ang katawan ng biktima.

About The Author