dzme1530.ph

DOH, hinikayat na maging maagap sa muling pagtaas ng COVID-19

Loading

Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Health (DOH) na maging maagap at handa sa harap ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas sa Southeast Asia.

Ayon kay Gatchalian, ang sitwasyon sa rehiyon ay dapat magsilbing babala upang hindi tayo maging kampante.

Kailangan aniyang makakuha agad ang DOH ng mga updated na bakuna na epektibo laban sa mga bagong variant ng virus.

Dapat anyang paigtingin ang kampanya para sa kaalaman ng publiko at hikayatin ang lahat na manatiling mapagmatyag at patuloy na sundin ang mga health and safety protocols.

Binigyang-diin din ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagiging maagap dahil dapat aniyang natuto na tayo noong panahon ng pandemya.

Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng mga eksperto sa kalusugan ang mga bagong variant ng COVID-19 na nagiging sanhi ng pagtaas ng bilang ng kaso sa ibang bansa.

Hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na maging alerto at huwag ipagwalang-bahala ang mga paalalang pangkalusugan.

About The Author