dzme1530.ph

DOH, COVID-19 cases sa bansa patuloy na bumababa

Nasa 2,934 mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas simula Enero 9 hanggang Enero 15, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa ulat ng DOH, mas mababa ito kumpara sa 3,127 cases na naiulat simula Enero 2 hanggang Enero 8.

Naitala naman ang 419 na bilang ng daily case average noong nakaraang linggo habang mayroong nadagdag na 116 ang nasawi dahil sa sakit.

Samantala, 277 mga  bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon, dahilan para lumobo na sa 4,070,591 ang Nationwide caseload.

Ayon sa DOH, bumaba sa 11,844 ang active cases kahapon mula sa 12,143 noong linggo.

Umakyat naman sa 3,993,133 ang Total recoveries habang Death toll ay pumalo na sa 65,614.

About The Author