dzme1530.ph

DOH: 142 bagong kaso ng COVID-19, naitala

Isandaan apatnapu’t dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department Of Health, dahilan para lumobo sa 4,075,524 ang nationwide caseload.

Ito na ang ikalimang sunod na araw na nakapagtala ang bansa ng mahigit sa isandaang bagong kaso ng COVID-19.

Sa pinakahuling datos mula sa DOH, bahagyang bumaba sa 9,182 ang aktibong mga kaso kahapon mula sa 9,188 noong sabado.

Samantala, sumampa na sa 4,000,321 ang Total Recoveries habang nadagdagan ng labing tatlo ang bilang ng mga nasawi kaya pumalo na sa 66,021 ang COVID-19 death toll sa bansa.

About The Author