dzme1530.ph

Desisyon ni Pangulong Marcos na ipagpaliban ang paglagda sa 2025 budget, nirerespeto ng House leaders

Loading

Nirerespeto ng mga lider ng Kamara ang desisyon ng Office of the President (OP) na i-reschedule ang paglagda sa proposed 2025 budget.

Ito ay upang mabigyan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapag-aralang mabuti ang panukalang pondo, kasunod ng concerns sa ilang budget realignments ng mga miyembro ng bicameral committee.

Original na itinakda ang paglagda ng Pangulo, bukas, Dec. 20, subalit sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi ito matutuloy, dahil ongoing pa ang assessment ng punong ehekutibo sa panukalang budget.

Inihayag nina House Assistant Majority Leader Jude Acidre at House Committee Appropriations Vice Chairperson Jil Bongalon, na kapwa bahagi ng bicam committee, na tiwala sila sa talino at kaalaman ng Pangulo.

Saklaw din anila ng kapangyarihan ni Pangulong Marcos na i-veto ang portions o bahagi ng General Appropriations Bill. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author