dzme1530.ph

Death sentence ni Mary Jane Veloso, pinagaan na sa life imprisonment ayon sa Pangulo

Loading

Pinagaan na sa life imprisonment o habambuhay na pagka-bilanggo mula sa parusang kamatayan, ang sintensya ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia dahil sa drug trafficking.

Sa ambush interview sa Nueva Ecija, inihayag ng Pangulo na matagal nilang pinagtrabahuhan upang maialis si Veloso sa death row.

Iginiit naman ni Marcos na hindi ito magagawa kundi dahil sa magandang relasyon at sa pangsang-ayon nina former Indonesian President Joko Widodo, at current Indonesian President Prabowo Subianto.

Mababatid na inanunsyo ng Pangulo na matapos ang mahigit isang dekada, pauuwin na ng Pilipinas si Veloso.

Samantala, titingnan pa ng Chief Executive ang posibleng pagbibigay ng clemency kay Veloso upang tuluyan na itong makalaya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author