dzme1530.ph

DBM, pagkukumpuni sa 8 airport may pondo sa 2023 National Budget

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na sa ilalim ng P5.268 trilliong 2023 National Budget ay may inilaang pondo para sa pagkukumpuni ng walong paliparan sa bansa.

Ayon sa DBM, 1.420 billion pesos ang inilaan para sa pagsasaayos ng Tacloban Airport, 785 million pesos sa Laoag International Airport, 500 million pesos sa Antique Airport, at 200 million pesos sa New Zamboanga International Airport.

80 million pesos naman ang inilaan para sa Bukidnon Airport, 50 million pesos sa Vigan Airport, 43 million pesos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at 15 million pesos sa M’lang airport.

Sinabi ni budget Secretary Amenah Pangandaman na layunin ng mga alokasyon na suportahan ang konstruksyon, rehabilitasyon, at pagpapabuti ng Transportation Infrastructure partikular ng Aviation Sector ng bansa.

Sa pamamagitan umano ng pagpapaganda sa mga airport ay mapasisigla ang employment, turismo, at kalakalan.

About The Author