Hiniling ng Senate Blue Ribbon Committee sa Commission On Audit (COA) na magsagawa ng Special Fraud Audit para masuri ang mga account at financial documents na may kinalaman sa overpricing ng mga biniling laptop ng DEPED sa pamamagitan ng PS-DBM noong 2021.
Sinabi ni Senator Francis Tolentino, chairman ng kumite na layun ng Special Fraud Audit na matukoy ang mga kailangang managot sa naturang isyu.
Inirekomenda rin ng Senate Panel na imbestigahan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang overpriced procurement, kabilang na ang pagsilip sa bank deposits ng mga opsiyal ng gobyerno na tinukoy sa imbestigasyon.
Nagrerequest rin ang Senate Blue Ribbon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsagawa ng Special Tax Compliance Audit o Tax Fraud Audit Inquiry para malaman kung nagbayad ng tamang buwis ng kanilang kinita ang Joint Venture Consortium Partners na nagsuplay ng laptop sa DEPED.
Hinihimok rin ang Bureau of Immigration (BI) na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng DEPED at PS DBM na sangkot sa isyu.