dzme1530.ph

Dangerous-level heat index sa 37 na lugar sa bansa, aasahan pa rin ngayong Miyerkules

Asahan na papalo sa 42°C hanggang 47°C ang heat index o damang init, sa 37 lugar sa bansa, ngayong araw.

Kabilang sa mga makararanas ng pinaka mataas na heat index ang mga lugar ng:

-Dagupan City, Pangasinan – 47°C

-CSBUA- Pili, Camarines Sur; at Roxas City, Capiz – 46°C

-Bacnotan, La Union; at Virac, Catanduanes – 45°C

Habang inaasahang tumindi muli sa 43°C ang init sa Metro Manila ngayong Miyerkules.

Kahapon, naitala ang pinakamataas na heat index sa Dagupan City, Pangasinan na may 47°C.

Patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko sa masamang dulot ng patuloy na pagbilad sa matinding sikat ng araw.

About The Author