dzme1530.ph

Colegio De San Juan De Letran, muling nakapasok sa finals matapos ang 14 years

Nagbabalik na sa finals ang Colegio De San Juan De Letran matapos ang 14 na taon.

Kasunod ito nang pagkakapanalo ng kuponan laban sa Mapua University sa iskor na 83-78 sa katatapos lamang na semifinals ng NCAA Season 98 Junior Basketball Tournament sa San Andres Sports Complex ngayong araw.

Nanguna sa laban si Andy Gemao na nakapagtala ng 14 points, 7 rebounds, 4 assists, 2 blocks, at 1 block.

Nabatid na huling nakatapak ang Letran sa championship round sa Season 85 noong 2009 kung saan natalo ito kontra San Beda.

About The Author