dzme1530.ph

COC ni Tarlac Gov. Susan Yap, pinakakansela bunsod ng umano’y material misrepresentation

Pinakakansela ng mga opisyal ng Barangay Tibag, Tarlac City sa Commission on Election ang Certificate of Candidacy (COC) ni Tarlac Gov. Susan Yap na nag-aasam maging mayor ng Tarlac City.

Sa petisyon inakusahan si Yap ng ‘material misrepresentation’ sa kanyang COC, nang ilagay nitong residente siya Immaculate Concepcion Subd., Brgy. Tibag, Tarlac City.

Ayon sa mga nagrereklamong sina Punong Barangay Jay-Ar Capulong Navarro at anim na kagawad, matibay ang kanilang ebidensya na kailanman hindi naging residente si Yap sa ginamit nitong address, na nang inspeksyunin ay isang bodega, kaya imposible na maging tirahan ito ng isang gobernador ng lalawigan.

Maging ang umano’y political ally nitong si Ma. Antonette Belmonte ay nagpatunay na hindi ito residente ng Brgy. Tibag.

Sa Annual Residency Survey mula 2021 hanggang 2024 ng Barangay Health Workers ay wala ring record na may nakatirang pamilya sa nasabing bodega, na pinatunayan din ng mismong security guard ng bodega.

Nabatid na si Yap ay graduating na sa pagiging governor, kaya nais nitong tumakbo bilang mayor ng Tarlac City.

About The Author