dzme1530.ph

China, handa sa anumang uri ng digmaan laban sa Amerika

Loading

Binalaan ng China ang Amerika sa pagsasabing handa itong lumaban sa anumang uri ng giyera, matapos batikusin ang tumataas na trade tariffs ni US President Donald Trump.

Unti-unti na ang paglapit ng world’s top two economies sa trade war, matapos patawan ni Trump ng karagdagang taripa ang lahat ng produkto ng China.

Agad namang gumanti ang China sa pamamagitan ng pagpapataw ng 10 hanggang 15 porsyento ng taripa sa US farm products.

Sa X, inihayag ng Chinese Embassy na kung digmaan ang nais ng US, ito man ay tariff war, trade war, o anumang klase ng giyera, handa silang lumaban hanggang sa huli.

About The Author