dzme1530.ph

Botohan sa 2 presinto sa Palawan, pansamantalang itinigil bunsod ng komosyon

Pansamantalang nahinto ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa dalawang presinto sa Palawan makaraang sumugod ang mga supporter ng isang kandidato sa lugar at pinagpupunit ang mga balota.

Nangyari ang insidente sa precincts no. 0121A at 0122A, sa Barangay Princesa, sa Puerto Princesa City.

Napag-alaman na ang mga balotang pinagpupunit ay hindi pa nagagamit.

Nagsimula umano ang komosyon nang umangal ang isang kampo na pinapayagang bumoto kahit hindi mga naka-rehistro sa kanilang lugar.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan mula sa Puerto Princesa City Police Office at Department of Education para resolbahin ang isyu. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author