dzme1530.ph

Border ng Egypt, hindi pa bukas para sa mga Pinoy mula sa Gaza na nais lumikas

Plano ng Philippine Embassy sa Cairo na sunduin ang mga Pinoy sa Rafah border crossing para tulungan silang makatawid.

Gayunman, hindi pa umano binubuksan ng Egypt ang kanilang border.

Nagpunta ang ilang Pilipino sa border ng Egypt sa kumpas ng Philippine Embassy sa Jordan na nakasasakop sa Gaza.

Subalit matapos umano silang maghintay ng limang oras ay sinabihan silang binawi ng mga otoridad ang desisyong buksan sa mga galing Gaza ang border ng Egypt. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author