dzme1530.ph

BI officials, hindi pinayagang mag-leave ngayong Lenten season

Pinagbawalang maghain ng vacation leaves at applications for authority to travel abroad ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) mula Marso 24 hanggang Abril 15.

Ito’y kasabay ng posibleng pag-a-avail ng leaves ng mga immigration personnel na nakapwesto sa seaports at airports ngayong panahon ng kuwaresma.

Inaasahan na daragsa ang mga pasahero sa iba’t-ibang paliparan sa bansa partikular na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, Mactan, Clark at Kalibo International Airports.

Layon ng nasabing hakbang na iiwas ang mga pasahero sa mahabang pila sa immigration counters.

Matatandaang makailang ulit nang nakapagtatala ang NAIA ng insidente kaugnay sa hindi nakabiyaheng pasahero o naiwan dahil sa haba ng pila.

About The Author