dzme1530.ph

BI, aminadong bumaba ang morale matapos kastiguhin ng Pangulo sa pagtakas ni Alice Guo

Inamin ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval na malungkot ang mood ng ahensya matapos punahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at mga kapatid nito.

Binigyang diin ni Sandoval na wala pa rin silang impormasyon tungkol sa umano’y Immigration officers na tumulong sa pagtakas ng grupo ni Guo.

Tiniyak naman ng BI official na ipagpapatuloy nila ang kanilang imbestigasyon dahil nais din nilang malaman ang katotohanan at upang mapanagot sa batas ang sinumang sangkot at sumisira sa imahen ng ahensya.

Naghihinala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ilang BI personnel ang tumulong sa magkakapatid na Guo para makalabas sa bansa noong Hulyo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author