Lumagda ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng kasunduan sa Japan International Cooperation Agency (JICA) na magbibigay ng technical assistance sa pag-develop ng sites sa kahabaan ng Subway at North-South rail lines.
Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng P500-B Metro Manila Subway Project (MMSP) at P800-B North-South Commuter Railway.
Sakop ng ide-develop na lokasyon ang apat na MMSP stations, sa Bonifacio Global City malapit sa Market! Market!, proposed Senate-Department of Education Station, Kalayaan Avenue at Lawton Avenue.