dzme1530.ph

ASF, patuloy na nananalasa sa Cebu

Lima pang lugar sa lalawigan ng Cebu ang tinamaan ng African Swine Fever.

Ayon sa Bureau of Animal Industry, na-detect ang ASF sa Cebu City, Bogo City, Sibonga, Liloan, at Tuburan.

Sinabi ng BAI na ang infected samples ay nagmula sa backyard farms sa mga naturang lokalidad.

Ang pagkakadiskubre ay kasunod ng kumpirmasyon, dalawang linggo na ang nakalilipas, sa unang kaso ng ASF sa Cebu, sa isang slaughter house sa Carcar City.

About The Author